Thursday, June 18, 2009

LDR

ang buhay ng LDR..
malungkot. walang kupas na kalungkutan ang madarama mo kapag bigla ka nalang sinumpong ng pag-ka-miss sa tao. kapag dumating na ang sumpong, wala ka nang magagwa kung hindi umiyak, magdrama. malungkot lalo na kapag may mga pangyayare sa buhay mo na naiisip mo, sana andun siya ngayon sa tabe mo, kasama mo sa ligaya at tagumpay. malungkot ng sobra kapag may nakikita kang mga magkasintahan sa tabe mo, pero ikaw mag-isa, naglalakad, kumakain, ngiti lang sa text at sa isipan na sana andun siya sa tabe mo. malungkot na daming gusto niyong pagusapan, gawin, at kahit magtitigan ng walang kinabukasan e hindi niyo magagawa dahil sa layo ng distansiya niyo sa isa't-isa.

nakakapraning. bigla ka nalang minsan mapapraning na hindi siya nagte-text bigla. ang dami nang napapasok sa isip mo, sabay nakatulog lang pala. nagkaron kayo ng konti diskusyon, syempre hindi mo alam ang tono nung boses nang tao dahil sa text lang kayo naguusap, kaya minsan praning ka nalang na galit na ba siya o asar, pero inaantok lang pla magtext kayo medyo wala nang energy. papraning ka nalang minsan dahil ksama niya ang mga kaibigan niya, tas medyo bihira pa makapgreply sayo, ang malupet pa dun, may kasamang mga ibang babae ung mga kabarkada niya. mapapabuntong hininga ka nalang at umasa sa karma kung ano man ang pwedeng maling magawa nang kasintahan mo.

makakaramdam ng matinding pagka-miss. di mo akalain na bigla ka nalang manghihina at mapapaupo at mapapaiyak, lahat yan sabay sabay dahil sa pagka-mis mo sa tao. pakiramdam mo wala ka nang lakas para labanan ito, wala ka nang pasensya na maghintay pa ng isang araw, pero kung tutuusin, taon pa talaga ang hinhintay mo para magkasama kayo. kahit anong klaseng kwento ang gawin mo pa sa mga kaibigan mo, hindi iyon sapat para mapawi ang nararamdaman na pagka-kulang sa pwestong hindi mapupunan dahil wala siya sa tabi mo. at kahit magsabihan pa kayo araw-araw sa isa't-isa ng pagka-miss, hindi ito nawala o nabawasan, dahil alam mo na hangga't di kayo nagkasama, naghawak kamay, nagyakapan, hindi ito mapapawi.

nagmumukha ka nang baliw. oo, nagmumukha ka nang baliw dahil sa text bigla ka nalang mapapangiti,kahit na nasa publiko ka, pagkabasa mo ng text na nakakatawa o sweet galing sa kanya, mapapangiti ka nalang. pagnag-away kayo magbubulong ka magisa sa sarili mo nang kung ano-ano dahil syempre wala siya sa tabe mo. kapag nagkita sa webcam, umaarte kayo na nagyayakapan gamit ang mga unan o yakapin ang sarili ng sabay. pagnapapaalam, aarte na naghalikan sa lips kahit na sa hangin lang ito napunta. pagnagkita at naguusap, laking gaan ng pakiramdam dahil nakikita mo ung tao, mapapaluha ka nalang sa tuwa,dahil parang un nalang ang tanging daan niyo para magkita, sa ngayon. tas kapag kailangan nang maputol ang usapan, iyakan naman sabay tawa dahil para nang mga baliw sa pinagagagawa.

pero ganon pa man ang pinakaimportante sa buhay ng LDR ay saya, lalo na kapag pareho kayong tapat at totoo sa nararamdaman. masaya na alam mo sa kabilang panig ng mundo, mayron isang taong nagmamahal sayo, gusto kang makasama, gusto kang alagaan. masaya dahil sa dinami-dami ng mga tao sa mundo, may iisang tao ka lang na gusto - malayo pa siya sayo. masaya dahil dito mo masusubok ang pagmamahal na sinsabi mo, kung totoo o hindi. kung hanggang san, hanggang kailan. masaya dahil kahit ano pang dami ng problema, lungkot, sakit...hindi pa rin nawawala ung pagmamahal mo sa taong ubod ng layo sayo, literal.

na kahit anong klaseng emosyon pa ang maramdaman mo, kuntento ka pa rin sa mayron ka. madami kang pwedeng hilingin, oo. pero kung anong mayron kayo ngayon, masaya ka na at naghihintay ka nalang ng kinabukasan para maayos ang lahat. na kahit gano kalayo, matutuwa ka at taas nuong ipagmamalaki sa mga tao na kahit malayo kayo, daig niyo pa ang mga magkasintahang magkasama. malaking tiwala ang binubuhos sa relasyong ito, na sabihin man nating hindi nakikita ng isa't-isa ang ginagawa nila, nagtitiwala pa rin dahil yun ang bunga ng pagmamahal. mahirap, pero kung buo at tunay ang nararamadaman, madali itong ibigay. mahirap na madali, na masarap, na masaya, na malungkot, na nakakatuwa, na nakakainspire ng ibang tao ang buhay LDR. tiyaga at pasensya ang kailangan para makapagpatuloy sa sitwasyong ito.

kaya pagdating ng araw na mas malaki pa dito ang problemang hinaharap namin, ngingiti nalang kami at iisipin ang lahat ng pinagdaanan namin bago kami magkasama, tiyak na malulusutan yun.