Monday, September 17, 2007

las vegas - reunion

i was out for 4 days haha and i've been speaking english for 4 days...STRAIGHT! hahaha

so magttagalog ako ngayon! haha

went to LAS VEGAS para sa Pagsanjan reunion ni papa, first time na umattend ng mga ganyang events nang magkaroon naman siya ng social life! hahaha

tapos kasama ko ung mga pinsan ko argyle and adrianne then kasama rin si emmanuel (argyle's bf), matt (adrianne's roommate for 7 years, mexican-american) so lahat sila laki sa US, so no choice but to speak english! hahaha nakakaintindi ng tagalo ung mga pinsan ko pero processing muna bago makasagot, c emmanuel naman marunong pa rin lahat kse 12 years old siya ng dumating dito pero may accent na talaga..at since si matt e ibang lahi talaga kailangan talagang magenglish..hahaha

dami kong mga hirit na gusto sabahin pero sympre iba dating kapag tagalog na hirit so never mind nalang! haha kung kayo, mga kaibigan ko kasama ko gets niyo! hahaha

first night kumain kami sa Lawry's Steak house, goodluck sa laki ng steak at over fancy place pero ang mga itsura namin hindi pang-fancy! haha libre ako ng isa sa pinsan ko, di ko lam kung sino nagbayad e! haha kse lahat sila naglabasan ng credit card ako wallet..haha pero sabi nila wag na daw..so THANKS! hahahah

tapos til 3am kami naglilibot at nagsusugal downtown..lahat sila bought their drinks pero ako hindi kse sasabog na talaga stomach ko sa bigat nung steak, hindi ko pa ubos ung steak sa lagay na un! hehehe so ako lang ang nagiisang sober that night just in case maggewang gewang sila dun! haha tapos di ko alam kung bkit kaya pa nila kumain at 2am! gulay! haha tlang full breakfast meal, ako wala suko ako sa kainan! haha

the next day ginising ako around 10am para naman meet ung family friend namin na nagsstay na ngayon sa Las Vegas, buffet time! haha sarap ng food so sige, i lost control! haha chibog kung chibog! hahaha tapos sobrang saya ng kwentuhan kse instead na from "rags to riches" ang mga pinoy dito nagiging "riches to rags"..hahaha nakakaloka talaga especially for them (parents) na sobrang stable ang life sa pinas pero just for the status (just in case), tinahak ang US..haayy

tapos met up again with the "kids" haha tapos nagpunta kami sa Strip kse di pa pala nakikita ni emmanuel ung Strip, sobrang lakad sa ilalim ng araw..tapos since di ako uminom kagabi may magandang lalagyayanan ung Paris ng drinks..so nagorder ako ng Strawberry Daquiri na parang strawberry shake ang dating kase konti lang ung alcohol na nilagay (di kase ako nagbigay ng tip! haha) kse nung si adrianne naglagay ng dollar sa tip box niya dinagdagan pa ng rum ung drink niya! haha

tapos naghotel hopping and casino hopping kami, ako forever nakaupo lang kase di ko feel magsugal..hahaha

tapos si adrianne gusto magbuffet again!! seafood buffet, suko na talaga ako sa buffet kse 2 buffets in a day, kamusta nman un?!??! pero wala mapilit, so cge fine! wag tumanggi! haha pero i ended up eating pa rin ng madami..hahaha tsk tsk i'm a pig! haha

tapos naggate-crash kami sa FORMAL dinner ng reunion, habang mga itsura namin e parang basahan lang ng mga tao dun! haha pero since anak naman kmi special treatment dahil "next gen" daw..hahahaha NO WAY! hahaha infairness madami pala akong kamaganak! haha at finally may kilala na ako na third cousin ko, for the first time! hehe

tapos ung 3 lalake uminom pa nang football long island na sobrang laki talaga..ano baaahh gano kalaki ba tyan niyo?!? ahaha kami ni argyle nasusuka na sa kakatingin sa kanila..hahaha

nagsiuwian na kami ng mga 4am

the next day nagsigisingan kami ng mga 7am para sa pinic event ng reunion..ANG AGA! tapos after nung kainan, nakahanap ako ng perfect spot, para matulog! haha sarap!! since park siya may nakita akong bench tapos under ng shade ng tree tapos mahangin, humiga ako at natulog! haha ginising nalang ako ni adrianne nang makatakas sa picnic..haha

libre ulit, starbucks kse si emmanuel manager ng isang starbucks sa Maryland..he gets 30% discount!! saya!

tapos went back to las vegas club hotel at dun kami nagsitulugan kanya knyang pwesto..haha basta makahiga at makapikit lang ayos na! haha tapos nagising ako ng mga 4pm para bumalik sa hotel namin habang lahat sila ay tulog tapos naghanap ako ng magandang souvenir (ico mayron ka!) small pero naaliw lang ako..hehe

tapos goodbye las vegas hello California!

i lost 9 bucks sa whole 3 day gambling trip..haha di ko na nabawi! haha walang kita! haha

No comments: