Monday, July 2, 2007

kamusta ka kuya!

bad morning today! haha never naman kse akong naging morning person e, tapos sasabayan pa nang "bintang" with matching tono na naskin daw ung recipe nang menu for this week, e hello!! nilagay ko na kaya sa ref for everyone to see!! goodluck naman sa mga di nagbabasa at nagoobserve diba?! hahaha

nwala ang init nang ulo after lunch..haha

nagkwentuhan kami ni kuya earl with our pulutan, mais! haha tapos nakakagulat lang na isa sa kbarkada niya e namatay na 2 years ago, don. nung bata ako nakikitambay ako sa kanila (ngayon ko lang narealize na ang epal ko pala sa knila nung bata! haha) kapag may jamming sila nkikijam din ako! haha NAKAKAHIYA!! hahaha anyway si don ang slight crush ko dati sa barkada nila, siya kse ung pinakatahimik, magalang, at mabaet sa kanila..tapos kanina ko lang nalaman na he had a heart problem and more..na di sinsabi khit kanino sa knilang group..tapos ang sad part pa dito, he knew he was going to die early, di siya nagasawa at of course naganak..nakakagulat lang kse he's younger than kuya tapos aga..sayang tlga..pero sabi nga nila at least he won't suffer anymore..(God bless his soul)

tapos mayron pang part dun na naluha ako nang konti, kse mayron silang yahoogroups nang barkda niya dahil 12 sila sa grupo! kamusta naman un?!! hahaha tapos tuwing birthday binabati pa rin nila siya kung nasan man siya..(awwww...nakakaiyak!)

tapos we realized na kahit ganon kadami kayo sa group makilala mo pa rin talaga kung sino ung totoo at ung umulan't umaraw kayo ang makakasama..at di lahat yun sa grupo..

nagkwentuhan din kami about sa mga porma tactics nila before! at major TORPE silang lahat!! haha grabe!!! and ang panget nang mga tactics nila! haha panis!

tapos may girl na sobrang gusto pala si kuya and that is Lala, nakita ko na siya and i like her..tapos since torpe nga tong kapatid ko at grupo niya..di niya inamin kay lala na gusto niya at hanggang ingat at shoulder by her side lang ang drama ni kuya..tapos ilang years nung college na silang lahat at may kanya knyang partner na..nagmeet pla sila tapos pinaguspan ang past anong nangyare at wlang napuntahan..tapos ang sinabi ni lala, "di ka naman nagsabi e"

after marinig ni kuya yun, gusto daw niyang iuntog sarili niya sa pader at kung pwede sa napakatigas na pader pa! hahaa major SAYANG!!! hahaha tinanong ko naman kung bkit hindi niya inamin,

kuya: sinabihan kse ako ni Lala na ayaw niyang friends nagiging boyfriend..

ako: naniwala ka naman?!!!

kuya: oo! sabi niya e!

ako: sus! di totoo un pagsnabi nang babae, Bestfriend nga pinapatos nila friend pa?! haha

kuya: malay ko ba ngayon mo lang sinabi!! haha

nakakatawa lang dahil may mga lalake palang punong puno nang katorpehan at narealize ko mahirap palang umamin kung sobrang gusto nila ang girl..hahaha

at girls are unpredictable! hahaha

No comments: